Save info   Get password
Home Submit your blog Edit Account Rules RSS-Archive Contact


transcend jetram 1gb
2007-09-25 21:57:34
bumili ako ng 1gb mem sa isang tipidpc member nung isang araw.. nakipag meet ako sa kanya sa philcoa (aktwali matagal na pala sya naghihintay nung time na yun at nag tetext daw sya pero hindi ako sumasagot.. buti nalang nag text daw ako.. kasi mali yung number na binigay ko.. kundi umalis na daw sya) hehe.. kumuha ako ng transcend 1gb ddr2 800 sa halagang 1.7k (single stick + double sided).. mura sya para sa 'value type' na mem (cas 5-5-5).. pare pareho naman lahat ng memory unless hindi 'value' yung spec ng mem.. ang pinagkaiba lang ng transcend ay sinasabi nila mismo w/ pride na 'made in taiwan' saan pa ba gawa mga mems? hehe bakit nga ba bumili ako ng mem? kapos na kasi ng mem at gumagamit na ng swap yung vmware guest os ko (windows xp).. bakit nga ba me windows xp ako? kasi me pinapagawa sa aken na progy na kelangan magawa ko sa .net (.net kasi yung mga apps 'nila' dun).. balak ko sana gawin sa php kaso me dalawang problema (una walang thread ang php at pangalawa tinangal n


format
2007-09-23 23:48:47
nagbuburn ako ngayon ng mga anime, movies, apps at kung ano ano pa.. kasi lahat ng mga yan nakalagay sa isang 160gb 'fat32' na hd.. balak ko format in at gawing ext3 at dun ko ilalagay yung vmware data files.. medyo mabagal ang current vmware ko at nakalagay den sya sa main partition ng debian ko.. at isa pa masyado maliit ang 4gb para sa xp so gagawa nalang ulit ako ng bagong xp gawin kong 30GB.. take note yung xp hindi main os.. virtual os lang sa loob ng debian ko.. gagamit ako ng vmware.. ni release den last week yung vmware workstation 6.0.1.. nawala na yung gtk bug sa debian.. yung bug me kinalaman sa gtk2.. dati ginagawa ko 'export VMWARE_USE_SHIPPED_GTK=yes' para mapagana ko vmware... ngayon kahit wala na yan gumagana na sya ng matino natapos ko na din yung 'application' na pinapagawa sa akin.. ngayon kelangan ko sya pabilisin, lagyan ng thread at alisin mga bugs.. hehe oo puro bugs ang inaabot ko.. n00b naman ako sa .net so ayos lang yan :D


busy
2007-09-20 00:04:52
medyo busy ako lately.. sira na nga tulog sa sobrang busy.. hindi na ako nakakaupdate sa doryusen.. hindi na din ako nakaka post dito.. baka next week matapos na 'mga' pinapagawa sa aken


ministop fried chicken
2007-09-12 15:03:41
bumili ako last week or last 2 weeks ng 2pc chicken sa ministop malapit sa 'st. peter' dito sa amin.. pinili ko 2 breast part (ayos lang sa nagtitinda aktwali wala sya paki alam basta kung ano tinuro ko ok lang).. inuwi ko sa house at pucha tama nga sabi ni slak 'malaman' yung mga manok sa ministop.. halos hindi ko maubos yung dalawang part na yun pero pinilit ko nalang ilagay sa bunganga at lunok hehe.. tapos kahapon or nung isang araw try ko ulit bumili ng 2pc chicken.. kaso nasa rob galleria ako nun.. so pumili ulit ako ng breast part.. ayaw ng babae 1 breast lang daw at ibang part.. edi tingin tingin ulit ako pili ulit.. sabi naman nya breast din yun e.. hehe.. sa bandang huli hindi talaga pwede..anyways hindi na ako bibili ng chicken dun sa ministop (galleria).. masungit nagtitinda damot..


adik
2007-09-06 00:02:43
eto mga pinagbibili ko last week at ang mga pinagkaka adikan ko lately..  


rom updates
2007-10-19 15:09:07
nag update ako ng latest mame (0.120) at syempre sdlmame (0.120a).. binura ko na din yung cvs ng xfree86 at nag stick nalang ako sa xorg (debian package) gtk at kde naka debian package na din.. tinatamad na den ako mag compile at hassle/kakatamad na mag compile hehe.. maliban sa mplayer/e16/wine from svn/cvs/git pa din yung sources nila at kino-compile ko pa din (luma kasi yung debian package kahit unstable package pa) binigay ni koree sa aken to :)
Read more: updates

lipat na
2007-11-23 18:08:17
nilipat ko yung domain (uruha.org) sa aming vps server.. medyo walang kwenta na yung philhosting overloaded na masyado yung servers nila at parating down.. ililipat ko den yung music site (doryusen.com) sa vps para magamit naman yung bandwidth namin.. hindi ako masyado naka pag post ngayon kasi medyo busy ako last month sa dalawa kong site (doryusen.com at canz.net) at ngayon hindi ko din ma-update yung doryusen.com at canz.net kasi busy ako sa work(naks ikaw ba yan x) anyways medyo naging busy din ako sa work akala ko nung una petiks petiks lang.. mga ginagawa ko da usual php/c# apps pero me pinagawa sa aken pinili ko yung php soap or php get/post.. katumbas naman ng php soap yung c# webservice.. ang nahirapan lang talaga ako yung ms-sql.. syempre database choice ko is mysql pero sa work walang mysql hehe.. at isa pa masyadong complicated mga queries paiba-iba ng tables at database.. friday sa wakas!.. rest day bukas at sunday.. pag dating sa lunes polo/khaki/leather shoes till thu


gulo sa makati
2007-11-29 18:42:15
me gulo nanaman kanina sa makati.. pangalawang beses na papansin talaga yang trillanes na yan.. sana nga binaril nalang sila.. me nabasa pa ako sa inquirer: We're going out for the sake of the safety of everybody, for your sake because we cannot live with our conscience if some of you get hurt or get killed in the crossfire, nagpapatawa ba sya? sino yung everybody nya? dapat hindi nalang sya lumabas at binaril nalang "sila" matutuwa pa siguro ako.. If there's a loser here it's the Filipino nation because she's [Arroyo] still there personal / political reasons.. gagawa nalang sya ng gimik palpak pa..nasan rally? sino magbabayad sa mga "nasira" nya.. Dumaan tayo sa tamang pamamaraan [We passed through the right processes]. Elected pero wala ring nangyari [We were elected but nothing happens]. They voted for me so that I can speak up for their rights and our advocacies, e syempre hindi naman sya political figure in the first place.. isa syang uto uto at wala namang alam sa batas We ar


phpug-ph first developers conference review
2007-12-01 14:19:32
ngayon ginanap yung 'first' 'official' php developer conference sa pinas.. official sabi nino? sabi ng group of forum moderators hehe.. anyways kung isa kayo sa mga pumunta me natutunan ba kayo? or payabangan ng gadgets, payabangan ng position sa trabaho, nakahanap ka ng papa, nakahanap ka ng chicks.. pusta ko wala kayo natutunan :)... sasabihin ko na agad hindi ako pumunta at wala akong balak pumunta kahit libre pa sya.. aktwali hindi libre me bayad pa.. nung nagka 'debian' 10yrs anniversary dito last 2004 voluntary ang bayad at kkb pa nga ata.. ayos din rumaket mga tao ngayon.. pera nga naman! isa-isahin natin yung mga plans sa event: Basic Session PHP and MySQL (Database) by Gavin Lim (Training Coordinator, Activelearning) IT Trends (Business) by JR Yap (Executive Consultant, MyPortal Exchange Inc.) LAMP for Life: The Beginning to Infinity (PHP/MYSQL/APACHE/LINUX) by Edison Go Tan (Head, National Broadcasting Network New Media Division) lahat ng topic na yan consired isang t
Read more: review

james bond complete
2007-12-08 15:30:46
bumili ako ng 10 biogesic, 5 neozep (drowse), 5 neozep (no drowse), 1 bactidol, 2 pack ng strepsils.. medyo makati lalamunan ko at medyo paos ang bosses.. kulang lang to sa kape... umorder den ako ng yellow cab at ang tagal nya dumating.. sabi nila 30-45 minutes e.. mag iisang oras na wala pa din :( hinda pa tapos yung dina-download kong 'james bond complete special edition' lahat ng james bond movies maliban sa casino royale nandun.. syempre galing sa 'thepiratebay' 27.5GB yung total size nya kahapon natapos din yung dinadownload kong 'x-men the animated series' nasa 10.5GB naman sya.. kumpleto season 1-5.. eto yung pinapalabas sa #2 dati kung naalala nyo pa


airline cabin announcement
2007-12-18 17:38:05
All too rarely, airline attendants make an effort to make the in flight 'safety lecture' and announcements a bit more entertaining. Here are some real examples that have been heard or reported: CONTINENTAL AIRLINES On a Continental Flight with a very 'senior' flight attendant crew, the pilot said, 'Ladies and gentlemen, we've reached cruising altitude and will be turning down the cabin lights. This is for your comfort and to enhance the appearance of your flight attendants.' JAPAN AIR LINES 'In the event of a sudden loss of cabin pressure, masks will descend from the ceiling. Stop screaming, grab the mask, and pull it over your face. If you have a small child traveling with you, secure your mask before assisting with theirs. If you are traveling with more than one small child, pick your favorite.' BRITISH AIRWAYS 'As you exit the plane, make sure to gather all of your belongings. Anything left behind will be distributed evenly among the flight attendants. Please d


2007 year end shits
2007-12-25 19:20:33
bago matapos ang taon na ito sasabihin ko mga nangyari at mga nagawa ko.. Work last month bumalik na ulit ako sa pagiging robot(full time work).. semi-flexible naman yung oras ko pero hanggang 11am lang.. hindi ako pwede lumagpas ng 11am kundi considered ng late yun.. matatawa kayo pag sinabi ko na la-late pa din ako tapos 'araw araw' ako sumasakay ng taxi.. mula sa amin hangang eastwood ay 140-160(paiba-iba ang bayad me meter na mabagal me meter na mabilis eh iisa lang naman daanan).. pinapadaan ko sa philcoa(cp garcia) pag barado naman sa cp garcia dun ko pinapadaan sa loob ng up na yung labas nya yung malapit sa asti.. anyways.. challenging yung position ko ngayon medyo nakaka stress at ubod ng office politics pero masasanay din ako Food hindi mawawala yung trip ko sa mga junk/exotic foods.. trip ko pa din tuyo,isaw,botchi,atay,balun-balunan,goto,mami at tokwa.. pag nasa office naman konti lang choices ko sa pagkain madalas kinakain ko papaitan, beef steak(ang tagal lutuin), lumpi


k0n sizzling pepper steak
2008-03-06 10:40:31
last week bumili ako ng 'raw' beef sa robinson's.. nagbabalak kasi ako magluto ng sarili kong 'pepper steak' parang yung sa sizzling pepper steak sa trinoma.. syempre n00b pa ako at mali mali ginawa ko.. hindi ko na dapat binabad sa toyo, suka, kalamansi etc.. pero syempre naguumpisa palang naman hehe.. ito ang bago kong trip.. anyways bibili kami ni koree siguro mga next month ng bbq grille at para masubukan na din mag grille medyo japex pa ginagawa ko ngayon pero masarap pa din naman hehe.. sizzling plate local/japex na rib eye sizzling :( kahit papaano mabango at nakakagutom tignan well done ulam sa susunod mas ok na


gastos
2008-02-09 09:52:10
sabi ko sa sarili ko... this year video card lang bibilhin kong pyesa para sa pc ko.. subalit naparami pa din gastos ko.. hindi lang vc ang ginastos ko pati na din casing at psu... at susunod 160gb hd na din :(... anyways last week bumili ako ng 'gecube 2600xt ddr4' sa pchub at kahapon bumili ako ng 'hec 550w at lian-li pc-g7' sa 'xt pro computer sales' sa virra mall... yung '2600xt' ay nasa P4,550 (mura sa pchub at salamat sa tpc) tapos yung hec 550w P3,500 (xt pro computers) yung lian-li na pc-g7 ay P3,800 (xt pro computers pa din) medyo nakilala naman din ako nung nagtitinda at napamura ng konti.. (dapat kay seamax ako bibili kaso wala namang stock yung hec).. anyways natuwa naman ako at lumuwag na yung pc ko kaso me problema pa din ako sa oblivion... try ko format.. pag ganun pa din pw


liteon lh-20a1s
2008-01-28 12:53:01
galing ako sa 'virra mall' kanina at bumili ako ng liteon dvd writer.. binili ko yung P1,350 na liteon (lh-20a1s 9l07).. kumuha na din ako ng 100pcs. na dvdr sa cdrking.. marami akong i-buburn at sira na din kasi yung luma kong liteon dvd writer.. sa pcx ko binili yung writer mabilis transaction + (1yr warranty, 1mo. replacement) at magalang ang staff ng pcx sa virra di katulad sa iba walang inatupag kundi ym at tamad sa trabaho (lalo na sa gilmore)


manny pacquiao scandal
2008-01-12 14:12:39
boxing fans at mga menyek ito para sa inyo.. mamatay kayo sa inggit kay manny(money).. dahil may manny sya at nakakakuha(nakakabili?) sya ng mga chix.. at hindi lang yun ang mga chix mismo ang lumalapit kay manny kasi meron syang money.. hehe.. madalas daw tumambay sa 'embassy' (the fort) si manny.. kaya kung gusto nyo maki join punta na!.. iba na talaga pag me pera :(    


sizzling pepper steak
2008-01-06 08:47:23
pumunta kami kahapon ni koree sa trinoma.. nag ikot-ikot kami at tumingin ng kung ano ano.. pero ang pakay talaga namin ay kumain (hindi pa kasi ako kumakain non) kaya nag hanap kami ng magandang kainan.. nakita namin yung 'sizzling pepper steak' ang weird nga e japanese style yung restaurant pero puro sizzling specialty nila at isa pa wala silang mga maki, noodles etc.. hehe pero yun nga gusto ko mga steak hindi ko talaga trip mga japanese foods.. kahit ano basta sunog panalo sa tyan ko :D... halos kasing presyo nila yung sa racks pero mas gusto ko dito sa 'sizzling pepper steak' kasi malaman yung ribeye at masarap.. kinain ko ribeye large(P395), rice(P?? ewan) at icetea(P65?).. si koree naman kiddy meal(P195 - burger steak, carbonara, ebi fry, ice tea).. ang nagustuhan ko yung 'pepper' n


i resign
2008-04-12 03:43:32
medyo matagal na din akong hindi nag blog (dahil sa katamaran).. kwento ko nalang mga nanyari sa aken (work related) this past few months.. nag file ako ng resignation sa dati kong employer last march 1 and effective ng resignation nung april 1.. medyo hindi ko kinaya yung pulitika at sobrang daming meetings (hindi naman ako kumikibo pag me meetings kasi nakakabato ang meetings) minsan kasi ok meetings nagsasayang ng oras pero minsan/madalas nakaka walang gana mag meeting.. technical guy ako and hindi ko gusto mga meetings.. tapos dagdagan pa ng pulitika (marami may gusto sa position ko kasi siguro malaki sahod? maganda? core ng kumpanya? and whatever shitty reasons.. sa kanila nalang) nagustuhan ko nung una yung position... inalok pa nga ako ng laptop (w/c is kelangan ko talaga) and tinan


kanto foods
2008-04-14 03:35:43
down website ko kanina.. so ngayon ko lang na blog to.. natulog ako ng maaga kahapon 11pm palang tulog na ata ako tapos nagising ako ng 7am.. parang ok diba? pero hindi sya ok.. maayos nga tulog ko pero me pasok ako mamayang gabi.. sira nanaman body clock ko ehe.. sarap ng panahon ngayon umuulan.. eto nagbibihis ako at lalabas.. maghahanap ako kung merong tulak goto/mami/pares or kahit anong di tulak na mainit na pagkain hehe.. kung nasa makati ako ngayon kumain na ako sa suki kong tulak pares.. lalo na sa umaga.. ang sarap mainit kanin nya hehe.. *update* wala ako nakitang kanto init foods.. bagsak ko din sa mcdo.. umorder nalang ako ng sausage mcmuffin w/ egg at kape


more games at canz.net
2008-04-19 23:35:33
i'll be adding more flash games @ canz.net.. big thanks to those who 'submitted' their games..


hobby
2008-04-27 06:18:54
bago ako pumunta ng cebu dati 'medyo' active ako sa 'amateur radio' nung lumabas ang cellphone tinamad na din ako at maingay/malaki ang icom na gamit ko.. ngayon nag hahanap ako ng matinong hobby (kasawa pc/kasawa laro/kasawa trabaho).. naisipan ko bumalik sa pag ra-radio kaya eto binuhay ko yung icom at kumuha din ako ng isang kenwood.. lahat sila para sa 2m lang (sa ngayon lang hehe) kukuha din ako ng pang malayo.. medyo balik research/basa mode ulit pag dating sa radio.. tignan nyo nalang yung [link] para sa specs ng gadgets ko at mga updates/paano ako kontakin/groups/etc/shit


sabado
2008-05-03 02:40:07
konting araw nalang pang umaga na ulit ako.. akala ko ok maging gy.. hindi pala.. kasakit lang sa ulo tapos wasted pa sa umaga.. masakit pa sa balat yung araw.. pag pang umaga naman.. nakaka tamad gumising ng maaga tapos uuwi ng late tapos sa makati pa office mo.. pero 'masaya' yung ginagawa ko.. tiis tiis tiis


ulan, fx
2008-05-08 17:31:48
sawakas pang umaga na ulit ako.. nakakasawa mag pang gabi.. nung una gusto ko.. pero taena di kaya.. mahirap matulog sa umaga at di maganda sa health pag gabi.. kasarap talaga ng kinakainan kong papaitan sa makati lalo na pag tanghali (parang bagong luto) pag sa gabi parang pinainit nalang.. sa tanghali pala 2 lang kinakain ko yung blue marlin na tig P60 or P80 o kaya yung papaitan P60.. dalawa lang kasi trip kong ulam nila.. da rest shitty foods na.. after kumain ng tanghalian bumibili ako ng 1liter green c2 P41 (pag walang green wag na).. oo mahal yung c2 pero gusto ko e.. bukas may meeting kami sa smart (ito ayaw ko mga meeting meeting).. well.. pag bigyan once lang naman siguro to hindi na din ako nag ba-bag lately (mabigat e nakakatamad).. tapos pinagiisipan ko kung bibili pa ba ako n


ni ni
2008-05-14 16:10:46
salamat sa kard at sa regalo mong 'mini gundam'.. isa ito sa mga magagandang natanggap ko sa buhay.. (ala ako masabi e ehe..)


karma
2008-05-20 14:43:27
sinasabihan ko sa mga empleyado na umuuwi ng maaga (nauuna sa akin) na sana 'umulan' or sana 'lumakas yung ulan'.. lintek umulan nga (malakas pa).. problema ako nalang nagiisa sa opis ehe.. sakto nabalik sa aken yung ayaw kong mangyari.. di pa din ako naniniwala sa karma ..


naruto
2008-05-21 20:15:45
natapos ko na din i-dl yung buong season 1 ng naruto.. kelan ko lang kasi nalaman na tapos na pala yung season 1 meron nang season 2 (pero hindi pa tapos) so hindi ko muna sya i-ddl.. hindi ko kasi trip yung manood ng bitin.. parang one piece.. antagal na nya hindi pa din tapos hehe 2 pc ko sa bahay isang desktop(main pc) at isang firewall(gateway/test server).. parating naka bukas yung 2.. pero p


grande island resort
2008-05-23 16:25:33
kakauwi ko lang galing sa outing.. buti hindi umuulan sa subic kahapon at nung thursday.. bali umalis kami nung thursday ng 6am at nasa maynila na kami ng (friday) 3pm.. me time na masaya at boring sa outing.. well ang boring lang naman sa akin yung games (diko talaga trip mga team building/games.. buti sana kung paguusapan mga projects mga tips/tricks para mag work out isang project yada yada.. k


remembrance
2008-05-31 20:55:08
nakalimutan ko pala i-post yung mga 'stuffs' galing sa grande island resort.. teacup,saucer,ashtray at tuwalya.. hehe.. alam ko libre lang naman to parang sa hotel :D


gundam no grade
2008-06-05 19:11:07
eto 2 pix sa mga nabili kong gundam no grade kits.. wala pa yung high grade.. diko pa nabubuo e.. pag nabuo ko post ko dito savior, freedom, strike freedom and justice freedom and justice


gundam
2008-06-05 13:42:46
last week bumili ako ng mga 'gundam ' models.. inuna ko mga ng (no grade).. kasi mura sya at pwedeng praktisan (assemble).. mga nabili kong no grade ay.. zgmf-x09a (justice), zgmf-x10a (freedom), zgmf-x23s (savior) at zgmf-x20a (strike freedom).. naaliw ako.. tapos bumili ako last saturday ng hg (high grade) na gundam zgmf-x09a justice.. hindi ko pa binubuo kasi tinatamad ako at may bago akong 'toy


Page 4 of 5 « < 2 3 4 5 > »
eXTReMe Tracker